On Heneral Luna

Mali ata na pinanood ko ang “Heneral Luna” ng last full show, hindi ako nakatulog masyado kase nabother ako. Di ako mapakali. Supposedly, Facebook post lang to, pero dumami gusto kong sabihin. Sandali, mai-enumerate nga:

1. Kudos sa cast kase binuhay nyo ang mga karakter pati na din ang emosyon ng tao. Sa una medyo magugulat ka sa casting na parang malabo, tapos mapapa-“in fairness” ka sa pagganap ng bawat isa. Congratulations kay Mon Confiado kase di na rapist ang ginampanan nya kundi isang passive-aggressive na pangulo ng Pilipinas. Kay Ketchup Eusebio din, kase finally, kahit minor character lang sya e, napatay naman nya ang bida. Si John Arcilla, na swakto ang role sa kanya, ang intense nya, para mo syang pinapanood sa teatro. Si Epy Quizon, effective din bilang si Apolinario Mabini. First time ko ata sya napanood sa role na napaka-kalmado. Kay Nonie Buencamino din, kase nakakapikon sya.

2. Bet ko yung gumanap na Rizal e hindi si Piolo Pascual or sinong sikat na artista (or di ko lang kilala talaga yung artista). Ang mga Pilipino kase mahilig sumamba at umidolo. Yung paggamit nila ng “who you?” or anonymity factor e suggestive ng demystification ni Rizal. Hello, hindi sya lage ang bida.

3. Gusto ko yung tableau ng Spoliarium. Medyo awkward pano nagtransition sa eksena na yun, sobrang “K, I see what you did there” pero na-appreciate ko yung effort. Or baka Art Stud kase ako kaya gusto ko yung may mga allusion sa paintings.

4. Ang mga kababaihan rin naman ay nagkaroon ng mahalagang papel sa pelikula. Andyan ang mga babaeng sumabak sa digmaan, ang pagiging socially aware ng karakter ni Mylene Dizon at ng mga kababaihan ng Cruz Roa, at syempre ang ulirang ina na ginampanan ni Bing Pimentel. Bagamat maikli lamang ang eksena ng ina ni Luna dito, at karamihan pa ay flashback na nagpakita kung gano ka-privileged ang pamilya Luna, e malakas pa din ang empathy dahil sa point of view ng ina. Interesting din na sobrang naging contrast ito sa portrayal sa nanay ni Aguinaldo na napaka cold blooded, nakakashock ng slight. That b*tch. Charot!

5. Mabuti din na naipalabas muna dito yung pelikula bago naibandila sa bansang banyaga. For sure, ma-appreciate nila yung film in a formalistic sense, ngunit hindi kasing lalim ng hugot at reflection ng mga Pilipino. Kadalasan kasi ng mga ganitong uri ng pelikula e nauunang ipalabas sa mga tanghalan sa ibang bansa bago dito, minsan piling piling sinehan pa naipapalabas.

6. Nung isang gabi natanong ako baket ang mga Pilipino hindi kasing Nationalistic let’s say ng mga Hapon. Malaking factor ang pagiging arkipelago ng Pilipinas. Bawat rehiyon, may iba’t ibang kultura. Ang sobrang pagtangkilik sa sariling rehiyonal na kultura madalas ay nagreresulta sa pagkakaroon ng feeling ng superiority (ethnocentrism kumbaga) patungo sa ibang rehiyonal na kultura. Dito din lumalabas ang stereotypes sa mga rehiyon – katulad ng nosyon na mayayabang ang mga Pampannggenyo, pala-away ang mg Batanggenyo, at maiingay ang mga Bisaya. Ako lang ba ang nafrustrate nung narinig ko yung “Sa kapwa Kabitenyo lang ako susunod” (or something)? Hindi lang naman mga Kabitenyo ang Pilipino, ano! Sana ang mga pelikulang gaya nito ay tumulong na mag dugsong-dugsong sa mga pagkakaiba sa bawat kultura’t rehiyon, para naman yung sense ng “Nationalism” naten ay hindi selective sa sariling rehiyonal na kultura lamang.

7. Good to know din na ang pelikulang ito ay “fiction based on facts”. Pinortray dito ang kasaysayan ngunit may mga parte na romanticized at ginawang cinematic. Mabuti ding itanong kung bakit ganito ang treatment sa mga eksena o sa pangkalahatan ng pelikula. Kaninong kasaysayan ito? Kanino naka-address ang pelikula? Saan mayaman at kapos ang pelikula? At anong implikasyon nito sa mga manonood? Naisip mo ba gano ka-timely ang pelikulang ito? Nagalit ka ba kay Aguinaldo? Naisip mo ba paano ka din minsan o madalas naging si Aguinaldo?

8. Since malapit na maging thesis ito, lighter notes naman. Yung “punyeta” at “p*tang ina” walang kasing intense, pwede sumali sa cast si Angelica Panganiban. Pwede din ako pag high blood ako.

9. Sobrang nabother din ako kay Heneral Del Pilar. Baket ang kinis kinis nya sa panahon ng digmaan??? Na-excite ako tuloy sa 2nd installation.

K. BYE.

Advertisements

One thought on “On Heneral Luna

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s